11th Pasay Racing Festival bukas
MANILA, Philippines — Aarangkada bukas ang ika-11 edisyon ng Pasay ‘The Travel City’ Racing Festival 2024 na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Ikakasa ang 11 kapana-panabik na karera at naglalakihang papremyo, tampok sa taunang racing festival ang apat na pangunahing karera at pitong trophy races.
Ang apat na major races ay ang 11th Pasay ‘The Travel City’ Grand Cup na may premyong P1 milyon, 11th Pasay Rep. Tony Calixto Cup na nakalaan din ang P1 milyon, 11th Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup na paglalabanan ang premyong P500,000 at ang Former Pasay City Mayor Duay Calixto Memorial Cup na may P400,000 prize money.
May garantiyang P300,000 premyo ang bawat isa sa pitong trophy races.
Suportado ng SM Development Corporation, Newport World Resorts, PCSO, DoubleDragon Properties, Pagcor, Boysen Paint, Willy Keh, Davies Paints at HyperTech Wire & Cables ang ‘The Travel City’ Racing Festival 2024.
May anim na kalahok sa 11th Pasay ‘The Travel City’ Grand Cup na may distansiyang 1,800 metro.
Kabilang sa mga kabayo at hinete ay ang Black Star/OP Cortez; Early Boting/MM Gonzales; Magtotobetsky/JM Estoque; Mimbalot Falls/JA Guce; Open Billing/PR Dilema at tambakang Wild Is the Wind/AR Villegas.
- Latest