^

PM Sports

Janni Banni sinisiw ang mga kalaban

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumilib ang mga karerista sa ipinakitang takbo ng Janni Banni matapos angkinin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System noong Martes ng gabi sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Kalmado sa larga­han, hindi inapura ni jockey Isaac Ace Aguila ang Janni Banni upang panoorin lang muna ang naglulutsahan sa unahan na West Of The East at Lady Julianna.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay bakbakan pa rin sa unahan ang West Of The East at Lady J­ulianna na nasa bandang labas habang nasa terserong malayo ang Janni Banni.

Pagsapit ng far turn ay kumuha ng bandera ang Lady Julianna at lamang agad ito ng dalawang kabayong agwat sa West Of The East.

Subalit malakas ang pagremate ng Janni Banni kaya walang kahirap-hirap nitong nilampasan ang Lady Julianna bago pa dumating sa huling kurbada.

Pagsungaw ng rektahan ay dalawang kabayo na ang bentahe ng Janni Banni sa Lady Julianna at nagtuluy-tuloy na ito hanggang sa finish line kung saan ay nasegundo pa sa laban ang Happy Julliane.

Nilista ng Janni Banni ang tiyempong 1:14.8 minuto sa 1,200 meter race. 

RACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with