MIP candidate
Mukhang maagang umarangkada si Rey Nambatac para sa Most Improved Player (MIP) award sa PBA Season 49.
Sa kanyang unang laro sa PBA Finals, malaking impact ang ibinigay ni Nambatac sa TNT, pinangunahan ang mga locals sa scoring sa kanilang 104-88 win sa Game 1 ng Governors’ Cup Last Dance.
Dati na siyang kamador mula pa sa kanyang panahon sa Letran Squires, Letran Knights, Rain or Shine Elasto Painters at Blackwater Bossing.
Pero lalo siyang lumutang sa kanyang pagtalon sa koponang TNT.
Sa kasalukuyang torneo, ipinapakita niyang kaya niyang umangat kahit na masama sa talent-laden squad.
Kung masusustina ang kanyang inilalaro at matulungan ang TNT sa pagdiretso sa kampeonato, tataas ang valor ni Nambatac.
At maaaring bigla siyang maihanay sa mga PBA elite players.
Malaking puhunan niya ang tibay ng dibdib.
Walang dudang meron siyang tirada dahil nga kilalang scorer mula pa sa high school play.
Lalong bumibigat ang kanyang laro dahil willing siyang mag-take charge at hindi siya takot kunin ang bola sa crunch time.
Pagpapatunay ang kanyang 19-point sizzler – 12 sa fourth quarter – sa unang arangkada ng serye.
- Latest