Juvenile stakes race pinaghahandaan
MANILA, Philippines — Kanya-kanyang payabangan sa social media ang mga karerista, habang pinag-uusapan ang 1st Leg Juvenile Stakes Race na ilalarga sa Oktubre 27 sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Kahit hindi pa alam kung sino ang mga kabayong magtatagisan ng bilis ay naging maingay na ang mga ito sa facebook page ng karera.
Nakalaan ang garantisadong P1.8 milyon na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sakaling may pito o higit na kalahok sa distansyang 1,200 metro.
Kapag wala pang pito ang mag-uunahan sa finish line ay hanggang fourth place lamang ipamumudmod ang nasabing prize fund.
Kukubra rin ang mga top three breeders kung saan iuuwi ng mananalo ang P90,000, habang P54,000 at P36,000 ang para naman sa second at third place, ayon sa pagkakasunod.
Makakasali sa nasabing karera ang lahat ng nakarehistrong two-year-old local horses na nakatakbo na sa mga regular na karera.
Kakargahin ng filly ang 52kgs. at 54kgs. ang papasanin ng Colt, ayon sa inilabas na handicapping weights.
- Latest