FEU sinuwag ang Adamson sa OT
MANILA, Philippines — Lumalabas ang tikas ni Jorick Bautista kapag overtime game.
Ito’y matapos akbayan ang Far Eastern University kontra Adamson University sa 76-72 panalo sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Tumikada si Bautista ng 21 markers at anim na rebounds kasama ang 10-of-12 sa free throws sapat para akayin ang FEU sa pangalawang OT wins ngayong season.
Si Bautista ang naging susi sa panalo ng FEU nang talunin nila sa first round sa OT ang Ateneo de Manila University, 66-65 noong Setyembre 29.
Kumana sa clutch at sumalpak ng three-pointer para ihirit ang FEU ng karagdagang limang minuto at saka sumalpak ng siyam na krusyal points para ibigay sa Tamaraws ang pangalawang panalo sa walong laro.
“Sa akin masarap sa feeling syempre dati napagdaanan na namin ito which means alam na namin ‘yung gagawin namin. Nag-stick lang kami, naglaro kami para sa isa’t isa,” ani ng third-year shot-maker na si Bautista.
Para kay FEU head coach Sean Chambers, unti-unti nang lumiliwanag ang kanilang opensa at depensa kaya masaya ito sa ipinakitang tikas ng kanyang mga bataan.
“What I thought about this morning is we’re really like four and a half months in this journey with me as a head coach and we’re starting to see the light of our offense and some of our schemes. I just feel like they’re getting there and it would just take the older kuyas to hit the big shot for us to get over the hill for the young guys,” ani Chambers.
Samantala, nalasap ng Soaring Falcons ang ikatlong sunod na talo para sa 3-5 karta at hawakan ang solo 5th place.
- Latest