^

PM Sports

Brownlee bawal maglaro sa EASL

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bawal maglaro si Justin Brownlee bilang naturalized player sa East Asia Super League (EASL) kung sa ibang team ito maglalaro.

Pakay sana ng San Miguel Beer na makuha ang Gilas Pilipinas naturalized player na si Brownlee para sa kampanya nito sa EASL.

Subalit hindi ito maaring maglaro bilang natura­lized player ng Beermen dahil hindi ito nakapirma sa naturang team.

Maaari lamang maglaro si Brownlee bilang naturalized player sa kanyang mother team na Barangay Ginebra.

“Technically, if Justin Brownlee is not with Ginebra and not signed and playing with Ginebra this season, he is a viable option as he’s been one of the naturalized player in the Gilas or national team pool,” ani EASL Philippines head Banjo Albano sa isang ulat.

Nakabase ang naturang desisyon ng EASL sa patakarang ipinatutupad ng FIBA.

May basbas ng FIBA ang EASL tournament.

“Unfortunately, because he’s signed with a team competing in the same league in the same conference, that’s something that will not be allowed by FIBA,” ayon pa kay Albano.

Sesentro ang atensiyon ng San Miguel at Barangay Ginebra sa kampanya nito sa PBA Governors’ Cup kung saan magsisimula na ngayong araw ang semifinals series nito. Si Brownlee ang import ng Gin Kings.

Ngunit may karapatan ang Beermen na kunin nito si Brownlee sa lineup sa EASL dahil sister team nito ang Gin Kings.

Gayunpaman, hindi ito pinahihintulutan ng pamunuan ng EASL na nanindigang hindi maaaring maging natura­lized player ng Beermen.

EASL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with