^

PM Sports

Lady Blazers sinuwag ng Lady Tams sa Shakey’s volley

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinuwag ng Far Eas­tern University ang College of Saint Benilde, 25-17, 21-25, 25-16, 25-19 upang manatiling nasa tuktok ng Pool D sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila kahapon.

Inakbayan ni Jazlyn Ellarina ang Morayta-based squad upang tapusin ang CSB sa apat na sets at ilista ang malinis na dalawang panalo ng Lady Tamaraws.

Tumikada si Ellarina ng 16 points mula sa 14 attacks at dalawang blocks para sa Lady Tams na ipinalasap sa Lady Blazers ang unang talo.

Pakay ng FEU na walisin ang Pool D sa pagharap nila sa Adamson University Lady Falcons sa Oktubre 12.

Samantala, tulad ng Lady Tams, wala rin mantsa ang karta ng University of Santo Tomas Golden Tigresses matapos kalusin ang Mapua University Lady Cardinals, 25-18, 25-17, 25-20, sa unang laro.

Tangan ng Golden Tigresses ang 2-0 card at nasa tuktok sila ng Pool B matapos silang tulungan sa opensa ni Kyla Cordora.

Pinamunuan ni Cordora ang puntusan para sa UST na humataw ng siyam na puntos lahat ay galing sa kills.

“Nag-enjoy lang kami sa game. Naglaro kami na relax nu’ng first set, we just played our game and dinahan-dahan lang namin,” ani Cordora.

Bumakas si Xyza Gula ng walong puntos para sa Tigresses.

vuukle comment

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with