^

PM Sports

Sophisticated kinoronahan sa Sampaguita race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagreyna ang Sophisticated matapos angkinin ang titulo sa 2024 PHILRACOM “Sampaguita Stakes race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Sinalto ng Sophisticated ang asam ng Cam From Behind na sikwatin ang pangatlong sunod na korona sa nasabing big event na pinakawalan sa pangalawang race.

Umarangkada sa largahan si Palauig, hinawakan ang bandera ng may apat na kabayo ang lamang sa sumusunod na Enigma Uno at Secretary, nasa pang-apat na malayo ang Cam From behind, pang lima ang Eutychus habang pang-anim ang Sophisticated.

Pagkalampas ng kalagitnaan ng karera ay ina­gaw na ng Secretary ang unahan, kasunod ang Enigma Uno, tersero naman ang nauupos na Palauig habang ang Cam From Behind at Sophisticated ay magkasabay na rumeremate.

Malakas ang dating ng Sophisticated kaya bago pa lang makarating sa huling kurbada ay nakuha na nito ang unahan sa Secretary.

Dalawang kabayo agad ang bentahe ng Sophistica­ted sa rektahan at bakbakan sa pangalawang puwesto ang Secretary at Cam From Behind.

Ginabayan ni jockey Claro S. Pare, tinawid ng Sophisticated ang meta ng may limang kabayo ang agwat sa pumangalawang Cam From Behind, tersero ang Secretary at pang-apat ang Winner Parade.

Nilista ng Sophisticated ang tiyempong 2:10 minuto sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Gabriel Gaerland ang P600,000 premyo habang nakopo ng 2022 at 2023 champion Cam From Behind ang P200,000.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with