Ang init ng ulo ni Amores
Muli, tinalo ng init ng ulo si John Amores.
Pero pangalawang malaking insidente na ngayon ang kanyang kinasangkutan, at kalaboso ang kanyang kinahinatnan.
Nakakalungkot na matapos ang kanyang amok sa NCAA, nabigyan siya ng second chance at umabot pa sa paglalaro sa PBA. Pero sinayang ang lahat ng ito sa panibagong silakbo ng galit.
Kasagsagan ng Rain or Shine-Magnolia game noong isang gabi nang pumutok ang balita nang kanyang pamamaril sa Laguna. Ayon sa balita, nagsimula ang insidente sa hindi pagkakaunawaan sa isang basketball game.
Syempre, nakarating na ang balita sa NorthPort management at sa PBA Commissioner’s Office.
Nasa Ninoy Aquino Stadium press room si PBA commissioner Willie Marcial nang na-anunsyuhan ng balita.
Kalungkutan at panghihinayang ang agad naramdaman ni Pareng Kume.
Makalabas man siya sa kulungan, mukhang tapos bigla ang kanyang PBA career.
Kung hindi maaayos agad ang kaso, paano siya makakalabas sa selda. At kung makalabas man, parating ang sanction mula sa PBA, at maaaring mula sa Games and Amusements Board.
Maaari ring ang ball club niya na mismo ang umayaw sa kanya.
Nakakalungkot naman!
- Latest