^

PM Sports

Obiena pahinga muna

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na masisilayan sa aksyon si two-time Olympian EJ Obiena sa mga nalalabing international tournaments sa taong ito upang makapagpahinga dahil sa iniinda nitong injury.

Nadiskubre na may fractured L5 vertebra ito sa kanyang lower spine na pangunahing sanhi ng pananakit ng kanyang likuran sa oras na sumasabak ito sa laban.

Mangangailangan ito ng halos isang buwan na pa­hinga upang tuluyang maghilom.

Kaya naman minabuti na ni Obiena na ipagpaliban na ang mga torneong nakalinya sa season na ito.

“I am sorry to announce that I must call a premature close to my 2024 season,” ani Obiena.

Tatlong malalaking torneo ang nakaabang pa sanang lahukan ni Obiena — ang ISTAF Berlin sa Germany, Wanda Diamond League Zurich Leg sa Switzerland at sa Wanda Diamond League final.

Kasama pa rito ang international pole vault competition na nais sana i-host ni Obiena sa Setyembre 20 sa Maynila kasama ang mga world class pole vaulters.

Ikinuwento ni Obiena na nakaramdam ito ng pananakit ng likod nang lumaban ito sa Wanda Diamond League Silesia Leg sa Poland.

Nagkasya lamang sa ikalimang puwesto doon si Obiena tangan ang 5.82m.

Nangako si Obiena na babalik ito sa 2025 season upang muling bigyan ng karangalan ang bansa.

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with