^

PM Sports

Tagumpay ni Coach Yeng

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nasa itaas ng alapaap ngayon si coach Yeng Guiao.

Hindi dahil sa panalo sa basketball, sa coaching battle o ano pa man.

Mas malaking laban -- kaysa sa mga higanteng laban na dinaanan niya sa basketball – ang pinasok ni coach Yeng at kanyang pinanalunan hindi para sa kanyang sarili, kung hindi para sa Philippine sports.

Narating niya ang rurok ng tagumpay ng magdesisyon ang Supreme Court sa pagkatig sa kanyang pe­tisyon sa tamang remittance ng PAGCOR sa Phi­lippine Sports Commission.

Sa historic decision ng High Court, ang laking ha­laga ang papasok sa PSC coffers, kaya’t madali nang matutugunan ang mga pangangailangan ng mga national athletes, sports infrastructures, grassroots program, etc.

Matagal natiyani ang budget na para sa PSC. Ka­hit na nakasulat ito sa batas, napunta ang ma­la­king porsiyento sa kung saan sa mahabang pa­nahon.

Pero dahil sa SC de­cision, mukhang tapos na ang problema ng Phi­lippine sports ukol sa ka­pe­rahan dahil bilyon ang involved sa usaping ito.

“It’s been long overdue. This is justice for Fi­­lipino athletes and for the Philippine sports grassroots programs. It’s a boon for all sports and sports-loving Filipinos,” ani Guiao.

“Our patience paid off even if it looked like a lonely battle from the beginning. I’m so happy for the next gene­ration of Filipinos who love sports. We hope our sports leaders will put these resources to good use,” dagdag pa ni Guiao.

Inspirado si Guiao sa pagsalang sa laban kontra Barangay Ginebra ngayong gabi sa Candon, Ilocos Sur.

YENG GUIAO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->