Pagpapakumbaba
Maganda ang pananaw ni June Mar Fajardo sa basketball.
Ito ay team at hindi individual sport. At kampeonato ang pinaka-malaking bagay na pinaglalabanan dito.
Sa ganitong pananaw, aniya marami pang palay siyang babayuhin at maraming bigas na kakanin dahil 10 championship trophies pa lang ang naihahatid niya sa San Miguel Beer.
Sa mga PBA all-time greats, nasa unahan niya sina Ramon Fernandez na may 19 championships, Freddie Hubalde (16), Abet Guidaben (16), Philip Cezar (15), Bernie Fabiosa (15), Atoy Co (14), Robert Jaworski (13) at Johnny Abarrientos (12).
Tabla si Fajardo kina Bogs Adornado, Jojo Lastimosa at Bong Hawkins, na pawang may 10.
So kahit may eight MVP plums, kumbinsido si Fajardo na mahaba pa ang kanyang lakbayin.
Kung MVP feats ang tanging basis, walang dudang malayo na sa itaas ang Cebuano behemoth.
Nakuha ni JMF ang ika-walong top individual award matapos talunin si Christian Standhardinger at CJ Perez para sa nasabing award sa PBA Season 48.
Dominante siya sa kanyang era kung saan hinugot niya ang walong MVP honors sa loob ng siyam na season.
Pero nanatiling nakatapak sa lupa ang kanyang mga paa, at saludo pa rin siya sa mga nauna sa kanya.
- Latest