^

PM Sports

Simula na ng bardagulan sa PBA Governors’ Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Simula na ng bardagulan sa PBA Governors� Cup
Bida sa inaabangang opener ang Philippine Cup champion na Meralco at Commissioner’s Cup runner-up Magnolia sa lone game sa alas-7:30 ng gabi.
STAR/ File

Meralco kontra Magnolia

MANILA, Philippines — Aarangkada na ang PBA Season 49 ngayon simula sa pagbabalik ng Governors’ Cup tampok ang mga bigating imports sa Smart-Araneta Coliseum.

Bida sa inaabangang opener ang Philippine Cup champion na Meralco at Commissioner’s Cup runner-up Magnolia sa lone game sa alas-7:30 ng gabi.

Bago ito ay idaraos muna ang Leo Awards para sa nagdaang 48th Season tampok ang parangal na Most Valuable Player at iba pa at ang maikling opening ceremony para sa 49th Season.

Paparada ang 12 kopo­nan kasama ang kanilang mga naggandahang mu­ses sa pangunguna nina Olympian gymnast Aleiah Finnegan ng Meralco, PVL MVP Jema Galanza ng Phoenix at SEA Games gold medalist karateka Jamie Lim ng San Miguel Beer.

Ilan pa sa mga bibida at rarampa ay sina singer actress Julie Ann San Jose ng Barangay Ginebra at actress na si Atasha Mulach ng Talk ‘N Text.

Subalit ang pinaka-ina­abangan ay ang tagisan ng mga imports at rookies mula sa star-studded na PBA Rookie Draft para sa pagbabalik ng Governors’ Cup matapos ang 2-confe­rence format lang ng PBA sa nagdaang season upang magbigay-daan sa hosting ng Pinas ng 2023 FIBA World Cup at Asian Games campaign ng Gilas.

Babandera sa Bolts ang nagbabalik na si three-time PBA Best Import Allen Durham kontra sa dating NBA Slam Dunk champion na si Glen Robinson III ng Hotshots.

Sa mga imports, makakasama ni Durham bilang balikbayan ang kanyang mga karibal na sina Justin Brownlee ng Ginebra, Rondae Hollis-Jefferson ng TNT at Antonio Hester ng Terrafirma.

Kukumpleto sa mga reinforcements sina Jordan Lavell Adams (San Miguel Beer), Myke Henry (NLEX), Brian Sotty Hopson (Converge), Ricky Ledo (Blackwater), Taylor Johns (NorthPort) at Jayveous McKinnis (Phoenix).

Samantala, pormal na igagawad kina June Mar Fajardo ng San Miguel ang kanyang ika-8 MVP trophy habang si Stephen Holt naman ang tatanghaling Rookie of the Year.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with