^

PM Sports

Aira humugot ng inspirasyon sa mga natalong teammates, tiyak na sa bronze

Nelson Beltran - Pang-masa
Aira humugot ng inspirasyon sa mga natalong teammates, tiyak na sa bronze
Aira Villegas

PARIS — Ang panalo ni gymnast Carlos Yulo sa gold medal sa men’s floor exercise at ang kabiguan nina boxing teammates Eumir Marcial at Carlo Paalam ang nagpatibay sa loob ni lady fighter Aira Villegas sa 2024 Olympic Games.

Tinalo ni Villegas si home bet Wassila Lkhadiri sa kanilang 50kg quarterfinals bout papasok sa semifinal round kung saan siya nakatiyak ng bronze medal.

Nakataya ang kanyang kapalaran matapos ang second round, nagdesis­yon si Villegas na huwag palampasin ang tsansa para ipanalo ang isa sa pinakadikit na laban sa 2024 Olympics boxing competition sa North Paris Arena.

Inagaw ni Villegas ang isang 3-2 split decision laban kay Lkhadiri papasok sa semifinals ilang oras matapos ang historic golden performance ni Yulo sa floor exercise.

“Grabe po, sobrang nagpapasalamat ako kay God. Lalo na ‘yung sa last round kasi nagtabla kami nun,” sabi ni Villegas. “Sabi ni coach (Rey Galido), hahayaan mo ba na kunin niya yun? Sabi ko, hindi, akin ito. Kailangan kong bumawi kasi last year, natalo niya ako.”

“Dapat this year, comeback ko ito kasi February 2023, siya yung nakatalo sa akin, 3-2. So sabi ko kailangan ko itong kunin, last round,” dagdag nito.

Lalabanan ng tubong Tacloban sa semifinals si Buse Naz Cakiroglu ng Turkey kung saan ang mananalo ang sasagupa sa magwawagi sa semis bout nina Chinese Wu Yu at Kazakhstan Nazym Kyzaibay para sa gold medal.

May 2-0 record ang Pilipinas laban sa France sa boxing competition.

Nauna nang tinalo ni Tok­yo Olympics silver medalist Nesthy Petecio si French fighter Amina Zidani, 4-1, sa papasok sa quarterfinals ng women’s 57kg division.

“Inaalay ko rin po ito sa mga kasamahan ko, lalo na kay Eumir at kay Carlo, nalungkot ako na natalo sila,” ani Villegas.

vuukle comment

AIRA VILLEGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with