^

PM Sports

Paalam, Bacyadan sasalang na sa Paris

Chris Co - Pang-masa
Paalam, Bacyadan sasalang na sa Paris
Sisimulan na nina Carlo Paalam at Hergie Bac­yadan ang kanilang kampanya sa Paris.

MANILA, Philippines — Sasalang na sina Carlo Paalam at Hergie Bacyadan sa kani-kanyang dibisyon sa 2024 Paris Olympics boxing competition nga­yong araw.

Matagumpay na naka­balik sa Olympics si Paalam na nagkasya lamang sa pilak sa Tokyo Games noong 2021.

Kaya naman inaasa­hang ilalabas na ni Paalam ang buong lakas nito upang maisakatuparan ang inaasam na gintong medalya sa Paris.

Haharapin ni Paalam sa kanyang unang asignatura si Jude Gallagher ng Ireland sa alas-9:30 ng gabi (oras sa Maynila) sa men’s 57kg class.

“Gusto kong magsi­mula ulit. Gusto kong mag-focus this time at ipakita na ibang version na ni Carlo ang makikita nito ngayon,” ani Paalam.

Sa kabilang banda, ito ang unang pagkakataon na masisilayan si Bacyadan sa Olympics.

Mapapalaban ng husto si Bacyadan na haharap kay veteran Chinese boxer Li Qian sa alas-6:04 ng gabi sa women’s 75kg division.

Nakasungkit ang Chinese bet ng silver medal noong 2021 Tokyo Olympics habang may tanso ito sa 2016 Rio Olympics.

Dating wushu artist si Bacyadan bago nag-boxing.

Ngunit nilisan nito ang boxing para maging kampeon sa vovinam na isang mixed martial arts.

Nagpasya si Bacyadan na bumalik sa boxing kung saan natupad nito ang kanyang pangarap na makapasok sa Olympics.

Hindi pa rin makapaniwala si Bacyadan na Olympian na ito.

“Tinanggal ko na talaga yung boxing sa isip ko dati. Kaya di ako makapaniwala na Olympian na ako. Alam ko na God’s will ito, ibinalik niya ako sa boxing,” ani Bacyadan.

Nauna nang sumalang si Aira Villegas na magarbong sinimulan ang kanyang kampanya sa women’s 50kg class kung saan tinalo nito via unanimous decision si Moroccan Yasmine Mouttaki.

CARLO PAALAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with