^

PM Sports

Gin Kings kakasa sa New Taipei Kings

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makikilatis ang mga bagong koronang hari ng Barangay Ginebra sa isang exhibition game kontra sa host na New Taipei Kings ngayon sa Tap Seac Multi-Sport Pavilion sa Macau.

Sisiklab ang aksyon sa alas-8:30 ng gabi tampok ang unang appearance ng Gin Kings matapos makasikwat ng mga bagong players sa trade at sa PBA Rookie Draft.

Duwelo ng dalawang hari ang tinaguriang Macau International Basketball Challenge tampok ang P.League+ champion New Taipei Kings ng Taiwan.

Sa unang pagkakataon ay sasalang sa aksyon si 3rd overall pick RJ Abarrientos kasama sina Isaac Go at Rookie of the Year sa nakalipas na season na si Stephen Holt.

Nakuha ng Gin Kings sina Go at Holt mula sa Terrafirma kapalit sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle sa blockbuster trade bago ang draft.

Kasama dito ang pick swap na nagbigay-daan sa Ginebra upang makuha ang No. 3 pick, mula sa No. 10 na napunta sa Terrafirma.

Ito ang ginamit ng Gin Kings upang piliin sa bigating draft class si Abarrientos, na kakapirma lang ng three-year rookie contract kamakalawa.

Bahagi ang Macau tourney ng preparasyon ng Ginebra sa papalapit na PBA Season 49 na sa unang pagkakataon ay magsisimula muna sa import-laden na Commissioner’s Cup sa Agosto 18 sa Smart-Araneta Coliseum.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with