^

PM Sports

Yulo, Delgaco palaban sa Paris

Chris Co - Pang-masa
Yulo, Delgaco palaban sa Paris
Unang sasalang si rower Joanie Delgaco sa Paris Olympics

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Team Philippines ang agad na mapapalaban ngayong araw sa Paris Olympics.

Ito ay sina Carlos Yulo ng gymnastics at Joanie Delgaco ng rowing na babanat sa magkahiwalay na laban para sa tsansang makapasok sa medal round.

Aariba ang 24-anyos na si Yulo sa men’s artistic gymnastics individual all-around qualification na magsisimula sa alas-9:30 ng gabi (oras sa Maynila) na idaraos sa Bercy Arena.

May 50 gymnasts ang maglalaban laban sa magkakahiwalay na dibisyon.

Hinati ito sa tatlong dibisyon. Kasama si Yulo sa Sub-division 2.

Ang 24 mangungunang atleta ang papasok sa all-around finals na gaganapin naman sa Hulyo 31.

Walong gymnasts naman ang uusad sa final round sa bawat apparatus.

Nakasentro ang atensiyon kay Yulo sa men’s floor exercise kung saan paborito itong masungkit ang gintong medalya.

Matatandaang nabigo si Yulo na makapasok sa finals ng naturang event sa 2021 Tokyo Olympics.

Nagkasya naman si Yulo sa ikaapat na puwesto sa men’s vault event sa Tok­yo Games para umuwing walang medalya.

Kaya naman desidido si Yulo na makaresbak sa pagkakataong ito.

“All of my competition will serve as my revenge from the past Olympics,” ani Yulo.

Aminado si Yulo na marami itong natutunan sa kanyang mga nakalipas na laban partikular na sa Tokyo Olympics.

“I am learning with every mistake, and with every competition that I join,” ani Yulo.

Sa kabilang banda, masisilayan naman sa aksyon si Delgaco sa rowing event sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium.

Sasagwan si Delgaco sa women’s single sculls heats na magsisimula sa alas-4:12 ng hapon (oras sa Maynila).

Nasa Heat 2 si Delgaco kasama sina Slovenian Kostanjsek, Algerian Nihed Benchadli, Dutch Karolien Florijn, Swedish Aurelia-Maxima Katharina at Moroccan Majdouline El Allaoui.

Kailangan ni Delgaco na makapasok sa Top 3 sa kanyang heat para umabante sa quarters.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with