^

PM Sports

Bagsik ni Pacquiao ilalabas vs Anpo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang balak magpakampante si eight-division world champion Manny Pacquiao sa exhibition match nito na gaganapin sa Japan bukas (Linggo) sa Saitama Super Arena sa Saitaman, Japan.

Pukpukan ang ensayo ni Pacquiao para masigurong nasa perpektong kundisyon ito para sa laban nito kay Japanese mixed martial artist Rukiya Anpo.

Si Anpo ang pinakamatangkad na makakalaban ni Pacquiao sa kanyang boxing career.

May taas itong 6-foot-0.

Mas mataas lamang si Anpo ng one inch kay Mexican fighter Antonio Margarito na nakalaban ni Pacquiao noong 2010 sa Arlington, Texas.

Kaya naman walang puwang ang pagiging kumpiyansa sa labang tatakbo ng tatlong rounds na may tig-tatlong minuto.

Sumalang sa matinding workout si Pacquiao sa Kyokuto Gym sa Tokyo kasama si veteran trainer Buboy Fernandez.

Kitang-kita na wala pa ring bahid ng pagbagal ang kamao ni Pacquiao na nananatiling malakas at pamatay.

Hindi birong kalaban si Anpo.

Dati itong K-1 super lightweight champion at 2021 K-1 welterweight Gran Prix runner-up.

Mahusay sa kickboxing si Anpo.

Subalit mabibigyan ito ng $5 milyon na multa o halos P300 milyon sa oras na gamitin nito ang kanyang kickboxing skills sa laban.

Nakasaad ito sa kontratang pinirmahan nina Pacquiao at Anpo. 

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with