^

PM Sports

Paalam Chino!

Pang-masa
Paalam Chino!
Chino Trinidad
Facebook / Chino Trinidad

MANILA, Philippines — Pumanaw kahapon ng umaga dahil sa cardiac arrest si veteran sports journalist at dating basketball commissioner Chino Trinidad sa edad na 56-anyos.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Floresse sa GMA News Online.

Papunta ang anak ni Philippine Daily Inquirer sports columnist Recah Trinidad sa Newport World Resorts para sa isang meeting nang atakehin siya sa puso.

Isinugod siya sa San Juan de Dios Hospital, ngunit hindi na siya naisalba.

Naging bahagi si Trinidad ng radio panel ng PBA bago lumipat sa Vintage Enterprises para sa television coverage ng liga.

Matapos iwan ang Vintage ay kinuha siyang Commissioner ng Philippine Basketball League (PBL) kapalit ni Yeng Guiao simula noong 2000 hanggang 2010.

Bumuhos ng pakikiramay para sa pamilya ni Trinidad sa social media mula sa mga sikat na sports personalities hanggang sa mga maliliit na taong nakasalamuha ni ‘Kume’.

CHINO TRINIDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with