^

PM Sports

Gold kinuha ni Obiena sa Poland meet

Chris Co - Pang-masa
Gold kinuha ni Obiena sa Poland meet
EJ Obiena

MANILA, Philippines — Kasado na si Asian re­cord holder Ernest John Obiena para sa partisipasyon nito sa Paris Olympics.

Ito ay matapos humirit ang Pinoy pole vaulter ng gintong medalya sa 6th Irena Szewinska Memorial sa Bydgoszcz, Po­­land.

Maganda ang gising ni Obiena matapos magtala ng season-best na 5.97 metro upang masi­guro ang unang puwesto sa naturang Poland meet.

Unang nilundag ni Obiena ang 5.55m kasunod ang 5.75m na pareho nitong nakuha sa kanyang unang attempt pa lamang.

Itinaas ito ni Obiena sa 5.82m.

Kinailangan pa ni Obiena ng dalawang attempts para makuha ang naturang marka.

Umangat pa si Obiena sa 5.87m bago kubrahin ang ginto sa kanyang winning mark na 5.97m.

Gayunpaman, sapat na ang nakuha nitong 5.97m marka para makuha ang ginto.

Hawak ni Obiena ang personal best na 6.0m na kailangan nitong madala sa Paris Games para mapalakas ang tsansa nito sa gintong medalya.

Numero unong kalaban nito si world champion Mondo Duplantis na nagmamay-ari ng world record at madalas na su­ma­sampa sa six-meter mark.

Tinalo ni Obiena sa Po­land si Emmanouil Ka­ralis ng Greece na may naitalang 5.92m para sa pilak na medalya, habang pumangatlo naman si Piotr Lisek ng Poland na may nakuhang 5.75m.

Magandang resbak ito para kay Obiena na dalawang beses na nabalian ng pole sa dalawang torneong nilahukan nito.

Inaasahang maaabot ni Obiena ang peak nito sa oras na tumuntong ito sa Paris Games na na­ka­takdang magsimula sa Hulyo 26.

vuukle comment

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with