^

PM Sports

Gin Kings tinablahan ang Bolts sa game 4

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gin Kings tinablahan ang Bolts sa game 4
Bigo si Meralco center Raymond Almazan na blangkahin ang tira ni Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra sa Game Four.
PBA Image

MANILA, Philippines — Matapos makuryente sa huling dalawang laro, lintik lang ang walang ganti para sa Barangay Gi­nebra nang lasingin ang Meralco, 90-71, sa Game Four upang itabla ang kanilang semifinals series sa 2024 PBA Phi­lippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nagpakawala ng 31-15 ratsada ng Gin Kings sa first quarter at hindi na lumingon patungo sa kum­binsidong panalo para sa 2-2 kartada sa best-of-seven series.

Nauwi ngayon sa virtual best-of-three duel ang bakbakan ng dalawang magkaribal tampok ang magwawagi kontra sa mananalo sa pagitan ng San Miguel, may hawak na 3-0 lead, at Rain or Shine.

Wagi ang Gin Kings sa Game One, 92-88, su­balit tumiklop sa Game Two, 91-103, at sa Game Three, 80-87, upang maiwan sa serye sa 1-2 bago nakabalikwas sa wakas.

Tumagay ng 21 points, 6 rebounds at 2 blocks si Japeth Aguilar, ha­bang may ambag sa pu­lutan na 15 at 14 points sina Scottie Thompson at Stanley Pringle, ayon sa pag­kakasunod.

Halos triple-double na 15 points, 11 rebounds at 8 assists naman ang kontribusyon ni Christian Standhardinger, habang walang kupas ang kapitang si LA Tenorio na naglista ng pitong puntos at anim na assists.

Lumamang ng hanggang 27 points ang mga ba­taan ni Tim Cone upang makaiwas sa higanteng 1-3 series deficit.

Nawalan naman ng bol­tahe ang Bolts nang malimitahan sina Allein Maliksi at Chris Banchero sa tig-14 points.

Kahit ang 10 points ni Chris Newsome ay kinapos.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with