^

PM Sports

1-0 lead hahatawin ng cool smashers

Russell Cadayona - Pang-masa
1-0 lead hahatawin ng cool smashers
Na-blocked ni Sisi Rondina ng Choco Mucho si Kyle Negrito ng Creamline sa kanilang semis match.
PVL photo

MANILA, Philippines — Sasalang ang Creamline sa kanilang pang-11 championship appearance at target ang pang-walong korona sa 2024 Premier Volleyball League All-Fi­lipino Conference Finals.

Lalabanan ng nagdedepensang Cool Smashers ang sister team Choco Mucho Flying Titans sa ikalawang sunod na pagkakataon sa best-of-three title series.

“Kami naman kahit sino iyong kalaban, ready kami kasi more on situation iyong training namin so titignan muna namin, aaralin kung sino iyong makakalaban namin pero kahit sino naman okay lang,” ani Creamline coach Sherwin Meneses sa Choco Mucho.

Nakatakda ang Game One ngayong alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bigo ang Cool Sma­shers na maidiretso sa 13-0 ang kanilang dominasyon sa Flying Titans matapos silang talunin ng huli via five-setter sa pagsisimula ng single-round robin semifinals.

“Same lang naman lagi ang ginagawa namin, iyong situation talagang nilalabanan namin. Iyong situation every point talaga, iyon lang naman iyong importante. So doon kami nagpe-prepare pa lagi,’ ani Meneses sa Creamline.

Maglalaro naman ang Choco Mucho sa kanilang ikalawang finals stint at target ang unang korona.

Ito ang gagawing motivation ng Flying Titans na natalo sa Cool Smashers sa nakaraan nilang titular showdown para sa All-Fi­lipino crown noong 2023.

“Gutom talaga ang Choco Mucho na makara­ting sa finals o makakuha ng championship,” wika ni mentor Dante Alinsunurin. “Kasi ito na iyong matagal ng hinihintay ng mga players at kami ring mga coaches na makuha iyon.”

Sina Alyssa Valdez, Tots Carlos, Jema Galanza, Michele Gumabao, Kyle Negrito, Pangs Panaga at Risa Sato ang babandera sa Creamline kontra kina Sisi Rondina, Maddie Madayag, Royse Tubino, Isa Molde, Cherry Nunag at playmaker Mars Alba ng Choco Mucho.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay maglalaban ang Petro Gazz Angels at Chery Tiggo Crossovers sa best-of-three duel para sa third place trophy.

 

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with