^

PM Sports

Gilas balik ensayo sa June 22

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling magtitipon ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas pool sa Hunyo 22 bilang preparasyon sa pagsabak sa malalaking torneong nakalinya sa Hul-yo at Nobyembre.

Sesentro muna ang a­tensiyon ng Gilas Pilipinas sa partisipasyon nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Hulyo 2 hanggang 7 sa Riga, Latvia.

Target ng Pinoy cagers na makahirit ng tiket sa 2024 Paris Olympics na idaraos naman sa huling bahagi ng Hulyo sa France.

Ngunit hindi magi­ging madali ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas bago makapasok sa Paris Games.

Mapapalaban ito sa matitikas na tropa na nais ding makapasok sa Olympics.

Kagrupo ng Gilas Pilipinas ang host Latvia at Georgia na parehong powerhouse teams.

Maliban sa FIBA Olympic Qualifying Tournament, pinaghahandaan din ng Gilas Pilipinas ang FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin naman sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Nobyembre.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers ang New Zealand at Hong Kong.

Ang training camp para sa FIBA Asia Cup ay gaganapin anim na araw bago ang laban ng Gilas Pilipinas kontra sa New Zealand sa Nobyembre 21.

Hindi na magiging mahirap para kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang chemistry dahil parehong lineup ang gagamitin nito.

Kasama ito sa prog­rama ni Cone na nauna nang inilatag sa Samahang Basketbol ng Pilipinas upang hindi na maging mahirap ang adjustments sa oras na bumabalik sa ensayo ang mga nasa Gilas pool.

Idaraos ang training camp ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with