^

PM Sports

Flying Titans iaalay ang PVL Finals sa 3 teammates

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iaalay ng Choco Mucho sa kanilang tatlong injured teammates ang paghahamon sa nagdedepensang Creamline sa 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference Finals.

Ito ang pahayag ng mga Flying Titans sa pagsagupa sa Cool Smashers sa best-of-three championship series na magsisimula bukas sa Smart Araneta Coliseum.

“May mga hugot kami. Kasi marami kaming teammates na down. Tatlo sila this conference,” ani middle blocker Maddie Madayag kina Des Cheng,  Aduke Ogunsanya at Kat Tolentino.

Nagkaroon si Cheng ng ACL tear sa kanyang kanang tuhod noong 2023 Second All-Filipino Conference habang nakalasap si Ogunsanya ng isa ring ACL injury sa kaliwang tuhod sa pagsisimula ng torneo kontra sa Nxled.

May auditory condition naman si Tolentino sa gitna ng elimination round.

Sa kabila ng injury ng tatlo ay nagawa pa rin ng Choco Mucho na makapasok sa PVL Finals hangad ang kanilang kauna-una­hang korona.

“It’s always against our odds. Always kong sinasabi na resilient ang Choco Mucho. Kahit anong gawin mo, suntukin n’yo kami, bugbugin n’yo kami, babangon at babangon kami,” pahayag ni Madayag.

“Iyon ang dadalhin namin sa Finals na kahit anong mangyari lalaban at lalaban kami,” dagdag ng 26-anyos na two-time UAAP champion para sa Ateneo Lady Eagles.

Tinalo ng Flying Titans ang Cool Smashers, 13-25, 19-25, 25-21, 25-20, 18-16, sa pagsisimula ng single-round robin semifinals na tumapos sa kanilang 0-12 head-to-head record.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with