^

PM Sports

Rondina, Flying Titans handa sa Cool Smashers sa PVL Finals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling magtutuos ang sister teams Creamline at Choco Mucho sa ikala­wang sunod na pagkaka­taon para sa korona ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Ito ay matapos walisin ng Flying Titans ang single-round robin semifinals habang nagposte ang Cool Smashers ng 2-1 record.

Tinakasan ng Choco Mucho ang Petro Gazz, 23-25, 26-24, 25-19, 25-20, at pinadapa ng Creamline ang Chery Tiggo, 25-16, 25-21, 25-20, para itakda ang kanilang best-of-three championship series.

“Simula nu’ng pumasok kami sa semis, wala kaming ibang inisip kundi magtrabaho nang mabuti para makapasok ulit kami sa finals,” wika ni Flying Titans star Sisi Rondina.

Tinalo sila ng Cool Smashers sa 2023 Second All-Filipino Conference finals noong Disyembre.

Nauna nang pinayukod ng Choco Mucho ang Creamline via five-setter sa pagsisimula ng semifinals na tumapos sa kanilang 0-12 head-to-head record simula noong 2019.

“Siyempre, iba ang galaw at maglaro ang Creamline. But itutuloy namin kung ano iyong ginagawa namin at pagtitiyagaan namin ito hanggang dulo, para sa mga fans,” ani Rondina.

Sa panalo sa Gazz Angels ay humataw ang 5-foot-6 na si Rondina ng 32 points mula sa 30 attacks, isang block at isang service ace habang may 18 at 11 markers sina Isa Molde at Maddie Mada­yag, ayon sa pagkakasunod.

Wala namang balak bitawan ng Cool Smashers ang kanilang korona.

“Hindi pa tapos ang trabaho, the goal is to claim the crown. Hindi kami nasa-satisfy sa season kasi hindi pa namin natatapos ang championship, bawal pa rin mag-relax,” ani Creamline star spiker Jema Galanza.

Papalo ang Game One ng kanilang bets-of-three championship series sa Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.

 

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with