Krusyal na laban sa Mapua

MANILA, Philippines — Kakapitan ng Mapua University si Roxie Dela Cruz upang masikwat ang mahala­gang panalo sa pagharap nila sa San Beda University sa NCAA Season 99 wo­men’s volleyball na lalaruin sa Filoil EcoOil Arena ngayong araw.

Madedesisyunan sa huling laro ng Lady Cardinals kung papasok sila playoff, kailangan nilang manalo upang makigulo sa No. 4 spot na kasalukyang hawak ng Perpetual Help Lady Altas.

Nasa pang-apat ng team standings ang Perpe­tual Help na may 5-4 card habang magkasalo sa No. 5 ang Mapua at Arellano University Lady Chiefs na may tig 5-3 records.

Kaya posibleng magkaroon ng three-way tie sa fourth pagkatapos ng laro ngayong araw.

Bandang alas-10 ng umaga magsisimula ang bakbakan ng Lady Cardinals at wala ng pag-asang Lady Red Spikers, (3-5), sunod ang banatan sa pagitan ng Arellano Lady Chiefs at laglag na rin na Jose Rizal Lady Bom­bers sa alas-2 ng hapon. 

Show comments