Choco Mucho ikakasa ang finals

Bitbit ng Choco Mucho ang 2-0 record matapos gibain ang Creamline, 13-25, 19-25, 25-21, 25-20, 18-16, at Chery Tiggo, 25-20, 25-19, 25-23.
PVL Media Bureau

MANILA, Philippines —  Gazz ng single-round robin semifinals ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Lalabanan ng Flying Titans ang Gazz Angels ngayong alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng nagdedepensang Creamline Cool Smashers at Chery Tiggo Crossovers sa alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bitbit ng Choco Mucho ang 2-0 record matapos gibain ang Creamline, 13-25, 19-25, 25-21, 25-20, 18-16, at Chery Tiggo, 25-20, 25-19, 25-23.

“Sa ngayon, siyempre importante talaga iyong bawat game namin tapos sabi ko sa mga players ko kailangan all out lagi,” ani Flying Titans’ coach Dante Alinsunurin na muling sasandig kina Sisi Rondina, Royse Tubino, Maddie Madayag, Mars Alba at Thang Ponce.

Itatapat ng Gazz Angels sina Fil-Am Brooke Van Sickle, MJ Phillips, Jonah Sabete, Aiza Maizo-Pontilla at Remy Palma.

Matapos talunin ang Chery Tiggo, 20-25, 25-21, 25-15, 25-16, ay yumukod ang Petro Gazz sa Creamline, 25-27, 25-23, 25-27, 24-26, para sa kanilang 1-1 baraha.

May 1-1 marka din ang Cool Smashers para sa tsansang makapasok sa cham­pionship series sa pagharap sa nanganganib na Crossovers na may 0-2 record.

Kung magkakaroon ng pagtatabla sa No 2 spot ay itatakda ang isang knockout playoff match para sa kukuha sa ikalawang finals berth.

Ang gold medal ay pag­lalabanan sa best-of-three series kagaya ng agawan sa bronze medal.

Show comments