Creamline magpe-flex ng muscle

MANILA, Philippines — Handa ang defending champion Creamline na ibuhos ang buong puwersa nito upang masiguro ang silya sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Alam ng Cool Sma­shers na daraan ito sa butas ng karayom para maisa­katuparan ang inaasam nito.

Nasa must-win situation ang Cool Smashers kontra sa Chery Tiggo para maipormalisa ang pagkopo sa return ticket sa best-of-three championship showdown.

Extra motivated ang Cool Smashers dahil nais nitong makaresbak sa Crossovers na isa sa tumalo sa kanila sa eliminas­yon.

“I’m sure yung bawa’t isa sa amin, gusto ring ma­kabawi, and we’ll make sure na may natutunan ka­mi doon sa loss namin doon sa eliminations,” ani opposite spiker Tots Carlos.

May 1-1 marka ang Cool Smashers sa round-robin semis.

Wala si Carlos nang lu­masap ang Cool Smashers ng 25-13, 25-19, 21-25, 20-25, 16-18 kabiguan sa kamay ng Choco Mucho Flying Titans sa opening day ng semis.

Sumabak si Carlos sa Korean V-League Asian Quota Draft tryout sa Jeju Island sa South Korea.

Hindi nakuha si Carlos kaya’t agad itong bumalik sa aksiyon.

Show comments