De Guzman bumida sa panalo ng Lady Chiefs

MANILA, Philippines — Swak pa rin sa top four ang Arellano University matapos silang akbayan ni Pauline De Guzman kontra sa Emilio Aguinaldo College, 24-26, 25-17, 25-20, 25-20, sa NCAA Season 99 women’s volley­ball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumana si De Guzman ng team-high 17 points para sa Lady Chiefs na napaganda ang karta sa 5-3 record at hawakan ang pang-apat na puwesto sa team standings.

Hindi kagandahan ang simula ng Lady Chiefs nga­yong season pero unti-unting bumabalik ang ka­nilang porma at sinamantala ang mga errors ng La­­dy Generals sa fourth set kung saan abante sila ng anim, 19-13.

Kumasa pa ang EAC at nakapagtala ng tatlong sunod na puntos sina Cath Almazan at Jen Omapas para matapyansan ang hi­nahabol sa 16- 19.

Subalit naging matatag ang Arellano at muling ini­layo ang iskor sa 22-17 para tapusin ang laro.

Nagtala sina Al­mazan at Alex Razonable ng tig-19 points para sa Lady Ge­nerals, habang bumakas si Omapas ng walo.

Nais ng Lady Chiefs na masiguro ang pagsampa sa susunod na phase kaya paghahandaan nila ang huling laro sa elimination kontra sa Jose Rizal La­dy Bombers sa Martes.

Sisikapin ng EAC na makasikwat ng panalo laban sa Perpetual Help sa Linggo.

Bokya ang Lady Gene­rals sa walong laro kaya nasa ilalim sila ng team standings at may tsansa pang masungkit ang unang panalo.

Show comments