^

PM Sports

Krusyal na laban ngayon sa NAS

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatangkain ng Talk ‘N Text, NorthPort at Terrafirma na manatili sa Magic 8 habang susubok makahabol ang Phoenix sa krusyal na double-header ng 2024 PBA Philippine Cup ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Unang magsasabong ang Batang Pier at Dyip sa alas-4:30 ng hapon bago ang salpukan ng Tropang Giga at Fuel Masters sa alas-7:30 ng gabi.

Tabla sa No. 8 ang NorthPort at Terrafirma sa ngayon hawak ang 4-5 kartada habang nasa una­han lang nang bahagya ang TNT bitbit ang 4-4 marka.

Nasa likod nila ang Phoenix, 3-5, na katabla ang Meralco at Blackwater para sa No. 9.

Top 8 lang ang papasok sa quarterfinals kaya siguradong rambulan ang apat na koponan upang makasukbit ng importanteng tagumpay.

Pinakagigil dito ang Batang Pier na sumadsad sa four-game losing skid matapos maging isa sa mga lider ng torneo sa unang bahagi hawak ang 4-1 kartada.

Tampok sa biglang u­malat na kampanya ng NorthPort ang 100-120 kabiguan kontra sa wala pang galos at quarterfinals-bound na San Miguel Beer.

Galing din sa talo ang Terrafirma, 116-104, kontra sa NorhtPort sa Candon, Ilocos Sur noong nakaraang linggo.

Maging ang Tropang Giga ay kakalasap lang ng dikit na 87-83 pagka­talo laban sa Barangay Ginebra habang wagi naman ang Phoenix kontra sa NLEX, 112-77, upang manatiling nasa kontensyon. 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with