^

PM Sports

Flying Titans babawi

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Choco Mucho na makabangon mula sa kabiguan bagama’t may tiket na sa semifinal round ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Sasagupain ng Flying Titans ang sibak nang Farm Fresh Foxies ngayong alas-6 ng gabi matapos ang laro ng mga talsik nang Nxled Chameleons at Capital1 Solar Spikers sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagmula ang Choco Mucho sa 17-25, 22-25, 19-25 pagyukod sa sister team at nagdedepensang Creamline noong Abril 18 na tumapos sa kanilang four-game winning streak.

Ayon sa mga netizens, sadyang nagpatalo ang Flying Titans sa Cool Smashers para siguradong makakapasok sa Final Four ang kanilang utol.

Sinabi ni Sisi Rondina na mas tututukan na lamang nila ang pagharap sa Farm Fresh.

“Siyempre, wala naman ding magbabago, pupunta kami sa laro na naka-mindset and si­yempre, iyong winning na mindset,” ani Rondina.

“And siyempre, maglaro nang buo, magtrabaho, and ipakita lang namin kung ano iyong mga tine-training din namin,” dagdag ng tinaguriang ‘Cherry Bomb’ na humataw ng 17 points sa kabiguan ng Choco Mucho sa Creamline.

Samantala, posibleng hindi na makalaro si Kat Tolentino para sa Flying Titans dahil sa “auditory issues”.

“Siguro ngayon hindi pa namin alam kung makakabalik siya, pero iyon nga pinapalagay na rin namin iyong loob namin na baka hindi na siya makabalik talaga this conference,” ani coach Dante Alinsunurin sa 6-foot-3 opposite spiker.

Ang beteranong si Royce Tubino ang sumalo sa naiwang trabaho ni Tolentino.

 

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with