^

PM Sports

Kings dinispatsa ang Warriors sa play-in

Pang-masa
Kings dinispatsa ang Warriors sa play-in
Dinakdakan ni De’Aaron Fox ng Kings sina Klay Thompson at Draymond Green ng Warriors sa play-in tournament.

SACRAMENTO — Humataw si Keegan Murray ng 32 points at may 24 markers si De’Aaron Fox sa 118-84 demolis­yon ng Kings sa Golden State Warriors sa Western Conference play-in tournament.

Nagdagdag si Harrison Barnes ng 17 points at kumolekta si Domantas Sabonis ng 16 points at 12 rebounds para sa Sacramento na sasagupa sa New Orleans Pelicans sa agawan sa No. 8 berth.

Ang mananalo ang haharap sa Oklahoma City Thunder sa first-round playoffs.

Binanderahan ni Stephen Curry ang Golden State sa kanyang 22 points habang naimintis ni Klay Thompson ang lahat ng kanyang 10 tira.

Isang 19-5 atake na tinampukan ng dalawang 3-pointers ni Keon Ellis ang nagbigay sa Kings ng isang 15-point lead sa third quarter na hindi na napababa ng Warriors.

Sa New Orleans, humakot si LeBron James ng 23 points, 9 assists at 9 rebounds para igiya ang Los Angeles Lakers sa 110-106 panalo sa Pelicans sa isa pang play-in game.

Humakot si Anthony Davis ng 20 points at 15 rebounds habang umiskor si D’Angelo Russell ng 21 markers tampok ang limang three-pointers sa pagpasok ng Los Angeles sa first-round playoffs kontra sa nagdedepensang Denver Nuggets.

Winalis ng Nugets ang Lakers sa nakaraang Western Conference finals series.

Kumabig si Zion Williamson ng 40 points at 11 rebounds para pamunuan ang New Orleans na nakatabla sa 95-95 sa huling 3:19 minuto ng laro.

Ang jumper ni James kasunod ang dunk ni Davis at triple ni Russell ang sumelyo sa panalo ng Lakers.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with