^

PM Sports

Jerusalem bagong world champion

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling namayagpag ang bandila ng Pilipinas nang masuntok ni Melvin Jerusalem ang World Boxing Council (WBC) minimumweight crown.

Nairehistro ni Jerusa­lem ang split decision win laban kay Japanese fighter Yudai Shigeoka para angkinin ang WBC title sa labang ginanap sa International Conference Hall sa Nagoya, Japan no­ong Linggo ng gabi.

Magandang panalo ito hindi lamang para kay Jerusalem kundi maging sa buong Pilipinas dahil siya ang bukod tanging world champion na Pinoy sa kasalukuyan.

Binasag din ni Jerusalem ang Japanese curse kung saan sunud-sunod na natalo ang mga Pinoy fighters na lumaban sa Japan gaya ni dating world champion Jerwin Ancajas na natalo kay Takuma Inoue kamakailan.

Lumabas ang lahat ng pinaghandaan nito sa training kung saan dalawang beses nitong napatumba si Shigeoka.

Una sa third round ma­­­tapos kumunekta si Je­rusalem ng solidong ata­ke, habang ang ikalawa ay noong ikaanim na kanto para muling pataubin ang Japanese pug.

Sa pagtatapos ng laban ay pumabor kay Je­ru­salem ang dalawang hu­rado na nagbigay ng pa­rehong 114-112 puntos.

Umangat si Jerusalem sa 22-3 rekord tampok ang 12 knockouts.

 

vuukle comment

WORLD BOXING COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with