^

PM Sports

Eala hihirit ng ginto sa ITF France doubles

Chris Co - Pang-masa
Eala hihirit ng ginto sa ITF France doubles
Alex Eala.
Facebook / Alex Eala

MANILA, Philippines -  Patuloy ang magandang ratsada ni Alex Eala matapos makasiguro ng tiket sa women’s doubles finals ng International Tennis Federation (ITF) Open 3C Seine-et-Marne na ginaganap sa Croissy-Beaubourg sa France.

Katuwang ni Eala si Estelle Cascino ng host France upang umabante sa championship round ng naturang torneo.

Inilatag nina Eala at Cascino ang buong pu­wersa nito para mabilis napataubin sina Kira Pavlova ng Russia at Marie Weckerie ng Luxembourg sa pamamagitan ng 6-3, 6-3 demolisyon sa semifinals.

Mapapalaban sina Eala at Cascino sa finals dahil makakasagupa nito ang top-seeded pair na sina Maia Lumsden ng Great Britain at Jessika Ponchet ng France.

Dumaan muna sa butas ng karayom sina Lumsden at Ponchet bago makuha ang 2-6, 7-5, 10-0 come-from-behind win laban sa American tandem na sina Carmen Corley at Ivana Corley sa hiwalay na semis.

Bago makapasok sa semis, tinalo muna nina Eala at Cascino sina  Emily Appleton ng Great Britain at Isabelle Haverlag ng Netherlands sa quarterfinals.

Nanaig din sina Eala at Cascino kina Prarthana Thombare ng India at Céline Naef ng Switzerland sa Round of 16.

Magandang panalo ito para kay Eala matapos yumuko sa Round of 16 sa women’s singles noong Miyerkules.

Nais ni Eala na maka­kuha ng maraming pa­nalo upang mas lalo pang mapataas ang kanyang kasalukuyang ranking sa WTA.

Nasa ika-171 puwesto ito--ang pinakamataas na ranking na nakuha nito sa kanyang tennis career.

ITF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with