^

PM Sports

Akari target ang ika-2 sunod

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Choco Mucho na makabawi mula sa pagkatalo, habang ang ikalawang sunod na ratsada ang pakay ng Akari sa 2024 PVL All-Filipino Conference sa Ynares Center sa Antipolo City.

Maghaharap ang Flying Titans at Chargers nga­yong alas-6 ng gabi matapos ang bakabakan ng PLDT High Speed Hitters at Farm Fresh Foxies sa alas-4 ng hapon.

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon at magkikita ang Galeries Tower Highrisers at Strong Group Athletics.

Muling nasolo ng nagdedepensang Creamline ang liderato sa kanilang 5-1 kartada kasunod ang Choco Mucho (4-1), PLDT (4-1), Cignal HD (4-1), Chery Tiggo (4-2), Akari (2-3), Farm Fresh (2-3), Nxled (1-4), Gale­ries (1-4), Capital1 (1-5) at SGA (0-5).

Nakalasap ang Flying Titans ng 20-25, 12-25, 25-23, 25-11, 13-15 kabiguan sa High Speed Hitters na nagmantsa sa kanilang dating malinis na 4-0 baraha.

Umiskor ang Chargers ng 25-17, 25-19, 25-20 pag­giba sa Chame­leons tampok ang 13 points ni Fi­fi Sharma at 12 markers ni Ced Domingo.

“It’s a significant win for us because everyone worked together diligently,” sabi ng 5-foot-11 na si Sharma.

Bukod kina Sharma at Domingo, muli ring aasahan ng Akari sina Grethcel Soltones, Dindin Santiago-Manabat at Faith Nisperos.

Ibabandera naman ng Choco Mucho sina Sisi Rondina, Maddie Mada­yag, Kat Tolentino, Isa Molde, Mars Alba at Maika Ortiz.

Sa ikalawang laro, ang pagsosyo rin sa top spot ng team standings ang hangad ng PLDT sa pagsagupa sa Farm Fresh.

Tumipa ang High Speed Hitters ng 25-20, 25-12, 23-25, 11-25, 15-13 panalo sa Flying Titans para sa kanilang two-game winning run, ha­bang bigo ang Foxies sa Gazz Angels, 21-25, 25-27, 19-25.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with