Tolentino may good luck message kay Esteban
MANILA, Philippines — Masisilayan sa aksyon si Maxine Esteban sa 2024 Olympic Games na idaraos sa Paris, France sa Hulyo.
Subalit ibang bansa ang kakatawanin nito.
Bitbit ni Esteban ang bandila ng Ivory Coast na siyang bagong federation ni Esteban sa mga international tournaments.
Gayunpaman, nagbigay pa rin ng magandang mensahe ang Philippine Olympic Committee (POC) kung saan itinuturing nitong mananatiling karangalan ng bansa si Esteban na purong Pinoy at produktong Pinoy.
Masaya si POC president Abraham “Bambol” Tolentino sa tagumpay ni Esteban at umaasa itong madadala nito ang kanyang winning form sa Paris Olympics.
“We in the POC are very happy that Maxine, our athlete, has qualified for the Paris Olympics. She may not be representing Team Philippines, but we are so happy for her,” ani Tolentino.
Umaasa ang POC na makakasungkit si Esteban ng gintong medalya sa Paris Olympics.
“So Maxine, do your best to win the gold,” ani Tolentino.
Pasok si Esteban sa women’s foil singles — ang bukod tanging slot na nakalaan sa African region.
Nagawa ito ni Esteban sa final Olympic qualifier sa Washington DC.
Aminado si Tolentino na may kurot na masilayan si Esteban suot ang jersey ng ibang bansa.
- Latest