EJ inalat sa World Indoor Championships
MANILA, Philippines — Hindi pinalad si Paris Olympics-bound Ernest John Obiena na makahirit ng medalya sa World Indoor Athletics Championships na ginanap sa Glasgow, Scotland.
Nagkasya lamang sa 9th place si Obiena matapos magrehistro ng 5.65 metro na malayo sa kanyang naitalang personal best sa season na ito.
Sa katunayan ay kinailangan pa ni Obiena ng dalawang beses na pagtatangka bago makuha ang 5.65m.
Sinubukan ni Obiena ang 5.85m ngunit hindi naging matagumpay ang PInoy champion sa kanyang unang dalawang attempts.
Kaya naman lumundag agad ito sa 5.90m sa kanyang final jump subalit bigo pa rin ito para tuluyang maglaho ang kanyang tangkang makakuha ng medalya sa torneo.
Gaya ng inaasahang, matagumpay na nadepensahan ni World No. 1 at world record-holder Armand ‘Mondo’ Duplantis ng Sweden ang korona sa naitalang 6.05m para sa ginto.
- Latest