Obiena target ang gold sa world meet
MANILA, Philippines — Magtatangka si Asian record holder Ernest John Obiena na makasungkit ng medalya sa 2024 World Athletics Indoor Championships sa Glasgow, Scotland.
Target ni Obiena na masungkit ang gintong medalya sa men’s pole event na idaraos sa alas-7 ng gabi (alas-3 ng madaling araw sa Maynila).
Subalit hindi magiging madali ang laban ni Obiena dahil makakasagupa nito si World No. 1 at world record-holder Armand Duplantis ng Sweden.
Maliban kay Duplantis, sasalang din ang mga Olympians na sasabak sa Paris Olympics sa Hulyo.
Kaya naman magandang pagkakataon ito para masubok si Obiena na nagkuwalipika na sa Paris Games.
Nakapagbulsa si Obiena ng dalawang sunod na gintong medalya sa magkahiwalay na events.
Naghari ang Asian Games champion sa Istaf Berlin sa Germany kung saan nagtala ito ng bagong record sa Asian indoor tangan ang 5.93m at wagi sa Memorijal Josip Gasparac sa Croatia sa 5.82m.
- Latest