^

PM Sports

Lady Bulldogs nanakmal

Nilda Moreno - Pang-masa
Lady Bulldogs nanakmal
Pumalo si Alyssa Solomon ng NU kontra kay Abilaine Goc ng UP.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Nilapa ng National Uni­versity ang University of the Philippines, 25-17, 25-16, 25-17, sa UAAP Season 86 women’s vol­ley­ball tournament kaha­pon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maagang ipinakita ng 2023 runner-up Lady Bulldogs ang kanilang bangis matapos sakmalin kaagad sa unang dalawang sets ang Lady Maroons.

Tumikada si Evangeline Alinsug ng 15 points mula sa 13 attacks, 1 block at 1 ace upang tulu­ngan ang NU na sikwatin ang three-game winning streak para sa 3-1 karta.

Kumana rin sina Mhicaela Belen at Alyssa So­lomon ng tig-10 mar­kers para solohin liderato.

“We’re really happy na paunti-unti na po ka­ming nakakabangon sa pagkatalo namin. Nanini­wala po ako na hindi pa ito ang kakayanan ng team, mayroon pa kami kayang ilabas,” ani Belen.

Sunod na makakala­ban ng NU ang Far Eas­tern University sa Miyer­kules, habang pakay ng UP na sikwatin ang unang panalo pagharap nila sa La Salle sa Marso 10.

Sa ikalawang laro, winalis ng nagdedepen­sang La Salle Lady Spi­kers ang Ateneo Lady Eagles, 25-12, 25-22, 25-19.

Samantala, nakatakdang magsagupa ang UE Lady Warriors at Adamson Lady Falcons nga­yong alas-2 ng hapon ka­sunod ang upakan ng UST Golden Tigresses at FEU Lady Tamaraws sa alas-4 ng hapon.

 

vuukle comment

LADY BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with