Monk bida sa OT win ng Kings sa Wolves
MINNEAPOLIS — Iniskor ni Malik Monk ang 35 sa kanyang 39 points sa second half para giyahan ang Sacramento Kings sa 124-120 overtime win kontra sa Minnesota Timberwolves.
Nagdagdag si Domantas Sabonis ng 21 points, 15 rebounds at 8 assists bago na-foul out sa overtime period para sa Kings (34-25).
Kumonekta si Keegan Murray ng 17 points, habang may 16 at 14 markers sina Davion Mitchell at Harrison Barnes, ayon sa pagkakasunod.
Pnamunuan ni Jaden McDaniels ang Timberwolves (42-18) sa kanyang 26 points at may 19 at 18 markers sina Karl-Anthony Towns at Reid, ayon sa pagkakasunod.
Nagsalpak center si Rudy Gobert, humakot ng 16 points at 16 rebounds, ng dalawang free throws sa huling 40.1 segundo sa regulation para itabla ang Minnesota sa 115-115 patungo sa overtime.
Bumanat naman sa Monk sa extra period para sa panalo ng Sacramento.
Sa Chicago, nagposte si superstar forward Giannis Antetokounmpo ng 46 points at 16 rebounds sa 113-97 panalo ng Milwaukee Bucks (40-21) sa Bulls (28-32).
Sa Boston, kumamada si Jayson Tatum ng 32 points kasama ang limang triples para igiya ang Celtics (47-12) sa 138-110 demolisyon sa Dallas Mavericks (34-26).
- Latest















