Powell agaw-eksena sa panalo ng Clippers
SAN FRANCISCO, Philippines — Kumonekta si Norman Powell ng apat na three-pointers sa huling 7:03 minuto para umiskor ng 21 points sa 130-125 paglusot ng Los Angeles Clippers sa Golden State Warriors.
Tumipa si James Harden ng 26 points, 8 rebounds at 7 assists habang may 24 markers si Paul George para sa Clippers (36-17) na naglaro na wala si leading scorer Kawhi Leonard (left leg injury).
Wala pang katiyakan ang kanyang paglalaro sa All-Star Game sa Indianapolis.
Humataw si Stephen Curry ng 41 points sa panig ng Warriors (26-26) at naging unang player sa NBA history na nagsalpak ng hindi bababa sa pitong tres sa apat na sunod na laro.
Sa Salt Lake City, kumana si Anthony Davis ng 37 points at 15 rebounds at tumipa si Rui Hachimura ng career-high 36 points sa 138-122 dominasyon ng Los Angeles Lakers (30-26) sa Utah Jazz (26-29).
Sa Boston, nagsalpak si Payton Pritchard ng 28 points sa 136-86 pagmasaker ng NBA-leading Boston Celtics (43-12) sa Brooklyn Nets (21-33).
Sa Cleveland, humataw si Donovan Mitchell ng 30 points sa 108-105 pag-eskapo ng Cavaliers (36-17) sa Chicago Bulls (26-29).
Sa Dallas, umiskor si Kyrie Irving ng 34 points at may 27 markers si Luka Doncic sa 116-93 panalo ng Mavericks (32-230 sa San Antonio Spurs (11-44).
- Latest
















