^

PM Sports

Brook gustong makalaban si Pacquiao

Chris Co - Pang-masa
Brook gustong makalaban si Pacquiao
Manny Pacquiao.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Puntirya ni British pug c na makalaban si eight-division world champion at legendary boxer Manny Pacquiao sa isang exhibition match.

Sinabi ni Brook ang interes nito sa isang interview sa Lucky Block Sports kung saan isa sa mga nais nitong makalaban si Pacquiao gayundin si Amir Khan.

“I wouldn’t shy away from it if it made sense for me and boxing fans wan-ted to see it happen. Maybe we could get Amir Khan or Manny Pacquiao back in the ring,” ani Brook.

Aminado si Brook na isang malaking karangalan na makalaban ang isang legendary boxer na tulad ni Pacquiao na bukod-ta­nging boksingero sa mundo na nagkampeon sa walong magkakaibang dibisyon.

“Manny Pacquiao is a legend, of course I’d love to share the ring with him. It would be an honor,” dagdag ni Brook.

Retirado na si Pacquiao ngunit sumasalang ito sa mga exhibition matches.

Sa katunayan, nakatakdang makaharap ni Pacquiao si Thailand fighter Buakaw Banchamek sa Abril 20 sa isang exhibition match sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand.

Anim na rounds lamang ang laban na may tatlong minuto kada round.

May post na si Pacquiao sa kanyang social media accounts kung saan sumasalang na ito sa ilang magagaan na ensayo para makundisyon ang kanyang katawan.

Una nang sumalang sa exhibition si Pacquiao kontra kay DK Yoo ng South Korea noong nakaraang taon.

vuukle comment

PUNTIRYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with