^

PM Sports

Madi lumangoy ng ginto sa Bangkok meet

Beth Repizo-Meraña - Pang-masa

BANGKOK, Thailand — Humataw pa ng gintong medalya si Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh para tulungan ang Swim League Philippines (SLP) sa paghakot ng 15 ginto sa huling araw ng 2024 Asian Open School Invi­tational (AOSI) Aqua­tics Championships na gi­nanap sa Assumption University Aquatic Center (ABAC) Suvarnabhumi Campus dito.

Inilabas na ni Mojdeh ang buong puwersa nito sa boys’ 12-13 200m backstroke nang magsumite ito ng dalawang minuto at 28.14 segundo para makuha ang gintong medalya.

Nilunod ni Mojdeh si Kan Phasukram ng Thailand na may naitalang dikit na 2:29.52 na nagkasya lamang sa pilak na medalya.

“Madi definitely smashed the AOSI Swim champs as he swept all his events and finished in 100 percent personal best (PB) rate. This is his first time to have won multiple medals in International meet plus in PB breaking fashion. Looking forward to his future meets,” ani PH BEST team manager at proud mo­ther Joan Mojdeh.

Hindi rin nagpaawat si Mikhael Jasper Mojdeh na magarbong tinapos ang kanyang unang internatio­nal competition matapos angkinin ang gintong medalya sa boys’ 8-year 100m freestyle sa bilis na 1:21.34.

“It’s was a great experience especially winning gold medals in my first international competition. On to the next one,” wika ni Mikhael Jasper.

Nakahirit din ng apat na gintong medalya si Kevin Arguzon, habang may tig-dalawa naman si­na Arbeen Thruelen, Sophia Rose Garra at Alarie Somuelo sa kani-kanilang mga events.

Wagi ng ginto si Arguzon sa boys’ 16-17 50m butterfly (26.79), 100m butterfly (59.14), 200m butterfly (2:13.97) at 100m freestyle (56.03).

Nakahirit naman ng ginto si Thruelen sa boys’ 18-over 200m butterfly (2:16.20) at 100m freestyle (55.87).

Namayagpag si Garra sa girls’ 10-11 50m butter­fly (31.87) at 100m freestyle (1:06.73) at si So­mu­elo sa girls’ 18-over 100m butterfly (1:12.39) at 200m freestyle (2:18.78).

Nagbulsa rin ng ginto sina Aishel Cid Evangelista sa boys’ 12-13 50m butterfly (28.67).

Panalo si Antonio Joaquin Reyes sa boys’ 14-15 100m butterfly (1:00.51) at Gilbert Gonzalvo sa boys’ 14-15 200m butterfly (2:17.91).

 

BEHROUZ MOHAMMAD MOJDEH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with