^

PM Sports

Maid For Trouppei wagi sa 3-Year-Old Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinangaan ng mga karerista ang angas ng Maid For Trouppei sa pista nang dominahin nito ang mga na­katunggali at sikwatin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado.

Hindi nag-apura sa largahan ang hinete ng Maid For Trouppei na si class A rider Kelvin Abobo at ipinuwesto muna nito sa tersero sa largahan ang winning horse, habang kinuha agad ng West Of The East ang bandera at nasa segundo naman ang Bright Mind.

Pero bago dumating sa kalagitnaan ng karera ay ku­muha na ng pangalawang puwesto ang Maid For Trouppei at nakipagtagisan ng bilis sa West Of The East.

Nasilayan ang husay ng Maid For Trouppei dahil papalapit pa lang sa far turn ay inagaw na ang unahan kaya naman pagsapit ng home turn ay nasa anim na kabayo na ang lamang nito sa mga katunggali.

Ganado ang Maid For Trouppei kaya sa rektahan ay halos kuha na nito ang panalo kahit nasa segundo puwesto ang karibal na American Ford.

Tinawid ng Maid For Trouppei ang finish line na may walong kabayo ang agwat sa pumangalawang American Ford, habang tersero ang Bright Mind.

Inirehistro ng Maid For Trouppei ang tiyempong 1:29.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P22,000 added prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Nagbulsa rin ang breeder ng nanalong kabayo ng P4,500, habang P1,000 at P500 ang ibinigay sa second at third placers, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, may walong karera ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Sabado kaya naging masaya ang mga karerista sa kanilang pag­lilibang.

vuukle comment

METRO TURF

RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with