Obiena instrumento ng pagbabago
MANILA, Philippines — Umaasa si Asian Games record holder Ernest John Obiena na maging instrumento ang kanyang tagumpay para mas lalo pang maging inspirado ang mga kabataang atleta na nais sumunod sa kanyang yapak.
Alam naman ng lahat na makailang ulit nang nakapagbigay ng karangalan sa bansa si Obiena sa iba’t ibang international tournaments.
Kaya naman nais nitong magsilbi itong inspirasyon para sa mga kabataang atleta na magpursige upang maging matagumpay din sa kanilang sports.
“I see my role as a means to an end, a means to inspire the next generation of our youth, to illustrate the ability and talent of our country, and, of course, as a means of nation-building,” ani ng World No. 2 pole vaulter.
Ginawaran si Obiena ng Athlete of the Year Award sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night noong Lunes sa Diamond Hotel grand ballroom.
Hindi nakadalo sa PSA Awards Night si Obiena na kasalukuyang nasa pukpukang ensayo sa Formia, Italy bilang paghahanda sa Olympics.
Pakay ni Obiena na makasungkit ng medalya sa Paris Olympics sa Hulyo.
“Unfortunately I can’t be there physically because I am here to represent my country and I shall do my country my very best (in the Olympics),” dagdag ni Obiena.
Ganito rin ang pananaw ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan na tumanggap naman ng PSA Co-Executive of the Year Award.
“When we hear all these triumphs in sports, we can truly believe that we are world class,” ani Pangilinan sa kanyang acceptance speech.
- Latest