^

PM Sports

Semis itatagay ng SMB, GSM

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na tagay pa-semis ang tangka ng San Miguel Beer at reigning champion na Barangay Ginebra ngayon kontra sa magkaibang karibal sa isa pang quarterfinal bracket ng PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.

Haharapin ng No. 2 na Beermen ang No. 7 na Rain or Shine Elasto Painters sa alas-4 ng hapon bago magsabong ang terserang Gin Kings kontra sa No. 6 na NorthPort Batang Pier sa alas-8 ng gabi.

May bitbit na twice-to-beat incentives ang SMB at Ginebra bilang higher-ranked teams kaya kung mananalo ay aabante na agad upang maitakda ang kanilang best-of-five Final Four duel.

Unang nakasampa sa semis ang No. 1 seed na Magnolia matapos kaldagin ang No. 8 na Talk ‘N Text, 109-94 habang sa isa pang quarterfinal pairing ay nakapuwersa ng do-or-die ang No. 5 na Meralco kontra sa No. 4 na Phoenix Super LPG matapos ang 116-107 na panalo sa triple overtime.

Sasakay ang Beermen sa five-game winning streak kontra sa mainit ding Elasto Painters na sumikwat ng anim na sunod na panalo upang makapasok sa quarterfinals.

Wagi ang SMB kontra sa RoS sa paghaharap nila noong elims, 115-110.

Nasa winning streak din ang Gin Kings pa-quarters bitbit ang four-game winning streak kabilang na ang 103-93 panalo kontra sa Batang Pier sa elimination round.

Tampok sa bigating sagupaan ang imports na sina Bennie Boatwright Jr. ng SMB kontra kay Demetrius Treadwell ng RoS pati na sina Tony Bishop ng Ginebra kontra kay Venky Jois ng NorhtPort.

Subalit may isang alas ang Ginebra sa katauhan ni Christian Standhardinger, na inagaw ang liderato sa Best Player of the Confe­rence race hawak ang 38.0 statistical points matapos mag-rehistro ng 17.3 puntos, 9.6 rebounds, 5.3 assists at 1.2 steals sa elims.

 

vuukle comment

SAN MIGUEL BEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with