^

PM Sports

Biado swak sa semis ng 9-Ball Open

Nilda Moreno - Pang-masa
Biado swak sa semis ng 9-Ball Open
Carlo Biado.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sumampa sa semifi­nals si Pinoy cue artist Carlo Biado matapos kalusin si Francisco Sanchez Ruiz ng Spain, 10-5, sa quarterfinals ng 2nd Universal Chinese Taipei 9-Ball Open Pool Championship sa Ximending, Taipei kahapon.

Makakalaban ng 2017 WPA World 9-ball champion na si Biado sa semis si Chang Yu-Lung ng Taiwan na kinaldag ang kababayang si Hsieh Chia-Chen, 10-1.

Bago sumampa sa quarters ang 40-anyos na si Biado ay binokya muna nito si Liu Yun-Chen, 10-0, ng host country sa Last 16 sa event na nakalaan ang $10,000 premyo sa magkakampeon.

Bukod kay Biado, da­lawang Pinoy pa ang sumasargo sa quarterfinals.

Ito ay sina Bernie Re­galario at Michael Feliciano pero isa lang sa kanila sa papasok sa semis dahil sila ang magkatapat at ka­salukuyang nagtutumbukan.

Ipinagpag ni Feliciano si Lu Hui-Chan, 10-5, habang tinalo ni Regalario si Tang Ching-Ting, 10-5, na parehong Taiwanese pool players.

Hangad ni Biado na maipagpatuloy ang kanyang momentum at nais rin nitong makalaban sa finals ang kapwa Pinoy upang anuman ang mangyari ay maiuuwi nila ang karangalan sa Pilipinas.

Tatanggap ang runner-up ng $5,000 at tig-$2,500 ang hahamigin ng semifinalists.

vuukle comment

CARLO BIADO

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with