^

PM Sports

Alyssa, Denden masaya sa reunion

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling magkakasama sina outside hitter Alyssa Valdez at libero Denden Lazaro sa iisang team sa Premier Volleyball League (PVL).

Nauna nang isiniwalat kamakailan ng Creamline Cool Smashers ang pagpasok ni Lazaro para makasama ng tropa sa kampanya nito sa 2024 season ng liga na magsisimula sa susunod na buwan.

Galing si Lazaro sa Choco Mucho Flying Titans.

Huling nagkasama sina Valdez at Lazaro sa isang team noong 2017 kung saan kasama ang dalawa sa national team na sumabak sa Asian Women’s Volleyball Championship.

Naging magkasama rin sina Valdez at Lazaro noong 2016 Open Confe­rence. Mula noon, nagkahiwalay na ng landas ang dalawa.

Naglaro si Lazaro para sa Cocolife, Petron Blaze at ang huli sa Choco Mucho.

Kaya naman hindi maitago nina Valdez at Lazaro ang saya na muli itong magkakasama sa court.

Malaki ang maitutulong ni Lazaro sa floor defense dahil malalim ang karanasan nito.

Magiging katuwang ito nina Kyla Atienza at Ella De Jesus sa libero position.

Nakatakdang depensahan ng Cool Smashers ang korona nito sa All-Filipino Conference na nakatakdang magsimula sa Pebrero 17.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with