^

PM Sports

Belga bumida sa Rain or Shine

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Belga bumida sa Rain or Shine
Nagtakip ng ulo si Terrafirma center Aldrech Ra- mos sa pag-atake ni Rain or Shine import Deme- trius Treadwell.
PBA Image

MANILA, Philippines — Kumawala ang Rain or Shine sa fourth quarter upang ipagpag ang Terrarfirma, 116-105, at masungkit ang ikaapat na sunod nitong panalo sa 2023 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Anim na players ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 18 puntos, 4 rebounds, 2 assists at 2 steals ng batikang big man na si Beau Belga para mapalawig ang winning streak ng Elasto Painters.

Matapos mangulelat dahil sa maalat na 0-5 simula, angat ngayon ang mga RoS sa 4-5 para makasampa sa Top 8 papasok sa huling bahagi ng single-round eliminations.

Nag-ambag din ng solidong 16 puntos at 19 rebounds na double-double ang import na sina Demetrius Treadwell habang may tig-16 puntos din sina Santi Santillan at Jhonard Clarito.

May 13 puntos din si Andrei Caracut habang may 12 puntos, 11 rebounds at 2 tapal ang roo­kie na si Keith Datu para sa mga bataan ni coach Yeng Guiao.

Pukpukan ang dala­wang koponan sa unang tatlong quarters bago makaalpas nang bahagya ang RoS sa 87-85 hanggang sumakay sa 13-5 run upang makapagtayo ng 100-90 abante  tungo sa tagumpay.

Kumpletong 31 puntos, 14 rebounds, 3 assists, 2 steals at 2 blocks ang hinakot ni Thomas Hugo De Thaey habang may 19 puntos din si Juami Tiongson subalit kapos pa rin upang maibalik sa winning column ang Dyip.

Nalasap ng Dyip ang ikaanim na sunod na talo para sa 2-7 kartada.

vuukle comment

RAIN OR SHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with