^

PM Sports

Alas ni Escamis ilalabas sa Game 3

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibubuhos na ni Season MVP Clint Escamis ang buong puwersa nito upang matulungan ang Mapua University na matuldukan ang mahigit tatlong dekadang pagkauhaw nito sa titulo sa NCAA.

Hangad ni Escamis na makaresbak sa oras na makaharap ng Cardinals ang San Beda University sa rubber match ng NCAA Season 99 men’s basketball finals.

Bahagyang hindi maganda ang inilaro ni Escamis sa Game 2  noong Linggo sa MOA Arena kung saan nagtala ito ng 4-of-21 shooting clip.

Gayunpaman, nakakolekta pa rin ito ng 15 puntos, siyam na rebounds at apat na assists subalit hindi ito sapat para dalhin ang Mapua sa panalo.

Lumasap ang Cardinals ng 65-71 kabiguan sa kamay ng Red Lions dahilan para mauwi sa rubber match ang finals series.

Kaya naman desidido si Escamis na makabawi upang matulungan ang Cardinals na makuha ang titulo.

Nais na ni Escamis na kalimutan ang lahat at maisentro ang atensiyon nito sa mas importanteng laro sa Game 3.

Magandang pagkakataon din ang isang linggong pahinga upang ma­karekober ang bawat team at matutukan ang mga pagkakamaling nagawa nito sa Game 2.

vuukle comment

CLINT ESCAMIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with